𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗨𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗦𝗦 𝗜𝗥𝗢𝗡𝗠𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Pormal na inihain sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang ordinansang tuluyang magpapahinto sa Boss Ironman Motorcycle Challenge sa Dagupan City.

Nauna nang inihayag ni Mayor Fernandez sa naganap na pulong sa kongreso sa pangunguna ng Committee on Transportation ang kanyang pagtutol sa pag-iral ng nasabing aktibidad dahilan ng pagkakaroon ng mga road accidents at kamakailang ikinasawi ng isang Dagupeño.

Matatandaan na sinabi ng pamunuan ng Boss Ironman na pansamantala nila itong ititigil upang pag-aralan ang mga suhestiyon at panuntunan nang hindi na maulit pa ang nangyari sa nakaraang motorcycle challenge.

Samantala, inaasahan na maproseso at maaprubahan ang naturang ordinansa upang tuluyang maipatupad ito sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments