Pirma na lang ni Pangasinan Governor Ramon Guico III ang kailangan upang tuluyan nang maipatupad ang panukalang ordinansa kaugnay sa paggamit pagbebenta at iba pang aspeto sa usapin ng sigarilyo at iba pang katulad nito.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan 4th District Board Member Jerry Agerico Rosario, ilang araw na din ang nakalipas nang pumasa sa SP ang nasabing Ordinance Number 34.
Isa sa dahilan, aniya, ng pagpapasa ng panukala ay ang kapansin-pansin na pagdami ng mga kabataan na nasasangkot sa nasabing bisyo.
Hindi naman lingid, aniya, na isang doctor by profession, na malaking porsyento rin ng mga sakit ay may kinalaman sa lifestyle ng isang tao.
Bahagi ng panukala ang pagbuo ng task force na siyang tututok dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨