Patuloy na nararanasan ngayon sa lalawigan ng Pangasinan ang oversupply sa produktong itlog dahilan upang bumaba ang presyo nito sa mga pamilihan.
Sa oversupply ng itlog, sinusulit naman ng ilang mamimili ang pagbili nito dahil mababa ang presyo sa kuha nito kung ikukumpara umano noong mga nakaraang buwan habang ang mga negosyante naman sinabing lugi umano sila sa presyo ng naturang produkto.
Ayon sa grupong Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG, mababa rin ang presyo ng produktong itlog dahil sa klase o uri na nahaharvest ngayon kung saan maliliit dahil naapektuhan ng mainit na panahon.
Samantala, ang ilang negosyante at nagtitinda ng itlog sa pamilihan, umaasa sa posibleng pagbabalik sa regular na presyo ang produktong itlog sa mga susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨