𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗔 𝗟𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡

Patay ang isang 48 anyos na lalaki matapos na pagbabarilin sakay ng kaniyang motorsiklo sa Urdaneta City.

Kinilala ang biktima na si Feleciano Sanchez Manaloto Jr. alyas “Pogi”,owner ng isang apartment sa lungsod. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kaniyang motorsiklo ang bikyima nang pagbabarilin ito ng riding in tandem.

Nagtamo ng tama ng baril sa kaliwang pisngi, at ibabang bahagi ng ulo ang biktima. Agad naman itong itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. Natagpuan sa pinangyarihan ng insidente ang basyo ng caliber 45.

Kasalukuyan namang nagsasagwa ng follow up investigation ang Urdaneta City Police Station para sa pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments