𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

Patuloy na ipinapaala ng awtoridad ang ilang mga paalala at kaalaman partikular ang may kaugnayan sa fire prevention ngayong ipagdiriwang Holiday Season.
Una nang pinatitiyak ng mga ito ang pagbili sa mga Christmas decorations tulad ng Christmas lights na taglay nito ang totoong Import Commodity Clearance (ICC) Sticker na siyang sumisiguro na ligtas at pasado ang produkto sa Philippine National Standards (PNS).
Ipinaalala rin ang maayos na wiring ng Christmas Lights at kung may sira, agad itong isangguni at papapalitan.

Binigyang diin naman ang hindi maaaring pag-overload sa mga outlet o saksakan na siyang isa sa mga dahilan ng pinagmumulan ng insidenteng sunod.
Hinikayat ng pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at National Fire Protection na maigi ang pagtalima sa mga nararapat na gawain upang maipagdiwang ng masaya at ligtas ang Holiday Season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments