Matagumpay na pinasinayaan ang Padunungan ngayong 2024 na may temang โPAWILEN: Reviving Historical Consciousness and Reinforcing Pangasinan Identityโ sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan ngayong araw ika-26 ng Enero taong kasalukuyan.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa Padunungan 2024 Committee, nasa limampuโt limang (55) mga pribado at pampublikong paaralan sa probinsiya kung saan tinatayang nasa mahigit 1, 600 na mga estudyante ang dumalo sa nasabing aktibidad.
Dito mas nakikilala ang kultura at kasaysayan ng lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng ibaโt ibang patimpalak.
Ang naturang aktibidad ay pinapangunahan ng mga estudyanteng mula Pangasinan na nag-aaral sa University of the Philippines- Baguio o ang UP-Subol Society Baguio Chapter. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ