Cauayan City – Nagsagawa ng pagpupulong ang Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) sa Cagayan Farm School and Agri-Tourism Center upang mapalakas ang koordinasyon ng mga kinatawan ng agrikultura at pangisdaan sa lalawigan.
Tinalakay ang tungkulin ng PAFC bilang advisory body sa Department of Agriculture at lokal na pamahalaan, at ang papel ng bawat kasapi sa pagsusulong ng mga polisiya, programa, at proyekto para sa sektor.
Kabilang sa mga pinag-usapan ang pagtatayo ng rice processing centers, pagpapabuti ng irigasyon, at konstruksiyon ng farm-to-market roads upang mapabilis ang distribusyon ng mga produktong agrikultural. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng monitoring ng implementasyon ng mga proyekto.
Pinagtuunan din ng pansin ang patuloy na conversion ng irrigated rice areas sa non-agrikulturang gamit.
Naghain ang PAFC ng resolusyon para sa regulasyon ng land conversion upang maprotektahan ang lupaing agrikultural at masiguro ang seguridad sa pagkain sa Cagayan.
Source: CAGAYAN PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
𝗣𝗔𝗙𝗖, 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡
Facebook Comments










