𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔𝗨𝗧𝗛𝗢𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗜𝗥𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗚𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚

Pinaigting ng lokal na Pamahalaan ng Rosales ang pagpapatupad sa pagbabawal ng paggamit ng hindi awtorisadong busina at pailaw sa mga motor vehicles.

Ito ay base narin sa Administrative Order No. 2024-001 mula sa Land Transportatin Rosales Distrcit Office.

Ayon sa tanggapan, ang kautusan ay layuning masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa mga kakalsadahan.

Katuwang sa pagpapatupad ng naturang direktiba ang LGU, PNP, BFP, Conrado Estrella Regional Medical and Trauma Center at isang towing service company.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang information campaign nang maiwasan ang paglabag ng mga motorista.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments