𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗟𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗜𝗠, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗚𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗢-𝗖𝗟𝗜𝗠𝗔𝗧𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬 𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗟

Maari nang malaman ng mga magsasaka sa Ilocos Region ang pagbabago sa klima at panahon na maaring makaapekto sa mga pananim sa pamamagitan ng Agro-Climatic Advisory Portal o ACAP.

Tampok sa naturang platform ang 10-Day Farm Weather Outlook and Advisory, Regional/Provincial Seasonal Climate Outlook and Advisory at Special Weather Outlook and Advisory.

Ang mga paalala ng naturang portal ay batay sa “crop decision trees” na dinisenyo para sa particular na yugto at aktibidad ng mga magsasaka na umaayon sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Kabilang din sa kakayahan ng ACAP platform ay magbigay ng rekomendasyon sa iba’t-ibang pananim kaakibat ang weather forecast na gabay ng magsasaka sa pagtatanim hanggang sa panahon ng anihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments