𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗔𝗦𝗘𝗦, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚

Puspusan ang isinasagawang pagbabakuna sa mga batang edad lima pababa sa bayan ng Manaoag kontra sa vaccine preventable diseases.

Ang pagbabakuna ay dinadala sa mga barangay na layuning mapabilis at mailapit sa mga mamamayan ang immunization program.

Sa kasalukuyan nasa higit anim na libong doses na ng bakuna ang naiturok sa mga bata laban sa preventable diseases tulad ng pertussis, polio at measles.

Hinihikayat ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak upang makaiwas sa iba’t-ibang sakit.

Kinilala kamakailan ang bayan ng Department of Health Region 1 matapos itong manguna sa buong rehiyon na nagpatupad sa National Immunization Programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments