Hindi maaaring madaliin ang pagbabalik ng dating school calendar na Hunyo hanggang Marso, ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.
Ayon sa kanya, hindi maaaring ikompromiso ang nakatakdang rest period o pahinga ng mga guro maging mga estudyante.
Sa naging panayam din ng IFM Dagupan kay DepEd Regional Director Tolentino Aquino, unti-unti nang ibinabalik ang dating school calendar bagamat hindi ito minamadali dahil ilang mga konsiderasyon at batas ang isinasaalang-alang.
Matatandaan na sa bisa ng Department Order No. 003 S. of 2024, idineklarang ang May 31, 2024 bilang bagong end date o pagtatapos ng kasalukuyang school year.
Sa kasalukuyan, epektibo ngayon ang pagpapatupad ng ilang alternative learning delivery mode bunsod ng pagkansela ng face to face classes dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.
Samantala, ilang school heads sa lalawigan ng Pangasinan, modular distance ang umiiral na learning delivery mode sa pagpapatuloy ng pag-aaral. |πππ’π£ππ¬π¨