𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔

Inalis na ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan sa La Union ang ban o pagbabawal sa mga akitibidad sa mga dalampasigan ng bayan matapos bumalik sa normal ang lagay ng panahon.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) number 24 series of 2023 na pirmado ng alkalde ng bayan na si Mayor Arturo Valdriz ay kanya nang inaalis ang pagbabawal sa mga aktibidad sa lugar.

Matatandaan kasi na dahil sa pagkakatala ng sunod-sunod na insidente ng pagkalunod sa lugar ay nagdesisyon ang LGU na ipasara muna pansamantala sa publiko upang mabawasan ang aktibidad sa lugar.

Upang maiwasan ang pagkakaroon ng insidente ng pagkalunod, hinimok ng alkalde ang mga miyembro ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Barangay Peacekeeping Action Teams ng mga coastal barangay na manatiling alerto upang matiyak ang kaligtasan ng mga bisita.

Pinaalalahanan din nito ang mga may-ari ng establisyemento na maging mapagmatyag at huwag kalimutan ang mga paalala ukol pagligo sa mga karagatan ng San Juan.

Ang bayan ng San Juan sa La Union ay ang tinaguriang Surfing Capital of the Philippines. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments