𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗥𝗜𝗣𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦, 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗘𝗗𝗔

Nagpahayag ng paninindigan ang tanggapan ng National Economic and Development Authority (NEDA) kaugnay sa desisyon ng ahensyang pagrekomenda sa pagtapyas sa taripa ng bigas.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang naturang pagbabawas ng taripa ay inaasahang makatutulong upang mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Nasa 15% mula 35% naman ang ibabawas na taripa sa bigas base sa pagsunod ng NEDA Board sa rekomendasyon ng Committee on Tariff and Related Matters at planong patagalin hanggang 2028.

Bagamat ilang mga magsasaka pangamba ang posibleng pagbagsak ng presyo ng bigas kung ibababa ang taripa.

Pahayag naman ng SINAG sa naging panayam nito sa IFM Dagupan, hindi umano makatutulong ang pagtapyas sa taripa sa target na mapababa ang presyo ng bigas.

Samantala, nakitaan ng bahagyang pagtaas sa presyo ang kada kilo ng bigas sa ilang pampublikong pamilihan sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments