𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗜𝗦 𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Inihayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na bababa ang presyo ng kamatis sa susunod na tatlong linggo matapos ang pagsipa nito sa 120 hanggang 180 pesos sa ilang pamilihan.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay SINAG President Rosendo So, magsisimula pa lang ang mga producer ng kamatis na mag- ani kung kaya mataas pa ang presyo nito sa palengke.

Una nang inihayag ng Department of Agriculture na naapektuhan ang ani ng mga magsasaka dahil sa nagdaang kalamidad kung kaya’t tumaas ang presyo nito. Pagtataya ng SINAG hindi na rin magtatagal ang mataas na presyo at babalik sa normal na presyo ang kamatis dahil sa sapat na suplay sa mga susunod na linggo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments