𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗡𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗥𝗘𝗔, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗕𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗜𝗣𝗘

Nararanasan ngayon ang pagbaha sa kahabaan ng M.H.Del Pilar Street at Junction intersection area sa Dagupan City, bunsod ng nabungkal na transmission water pipe ng isang water source sa lungsod.

Kinumpirma rin ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na aksidente itong nabungkal ng gamit na excavator ng mga contractors.

Ilang mga residente ang nakaranas na umano ng paghina sa tubig maging ang pagkawala mismo ng suplay nito.

Nirespondehan naman ito ng water company upang agarang mabigyan ito ng paunang solusyon.

Samantala, matatandaan na nitong linggo ay naumpisahan na rin ang kasunod na phase ng mga road projects – ang M.H. Del Pilar Street kasunod pa rin ng proyektong road elevation at drainage upgrade. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments