𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗜𝗡𝗦𝗧𝗜𝗧𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗬𝗔𝗚𝗔𝗡

Cauayan City – Pinapayagan ng Mines and Geosciences Bureau ang pagbisita ng mga Educational Institutions sa mga mining companies na nasa lambak ng Cagayan.

Ito ang sinabi ni Mines and Geosciences Bureau Regional Director Mario Ancheta sa naganap Stakeholders Forum 2024.

Aniya, hinihikayat nito ang mga Mining Companies sa Lambak ng Cagayan na payagan lalo na ang mga estudyante na bisitahin ang mga minahan upang makita nila kung paano nga ba ang sitwasyon sa lugar.


Sinabi nito na bukod sa mga Educational Institutions ay bukas rin ang pagbisita ng mga miyembro ng iba pang sektor katulad na lamang ng media upang personal nilang masaksihan at maibalita ang katotohanan sa likod ng pagmimina.

Ayon kay RD Ancheta, kinakailangan lamang na magsumite ng request letter at oras na maaprubahan, maaabisuhan sila kung kailan ang kanilang schedule ng pagbisita upang maiwasan ang pagkakasabay-sabay.

Facebook Comments