Cauayan City – Payapa at tagumpay ang naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa lalawigan ng Isabela kahapon, ika-22 ng Nobyembre.
Unang binisita ng kampo ng Pangulo ang bayan ng Cabagan, Isabela kasama si Department of Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella III upang pangunahan ang Ceremonial Distribution ng 456 na Certificate of Land Ownership Award at Electronic Titles para sa Support to Parcelization of Lands for Individual Titling kung saan 346 Agrerian Reform Beneficiaries (ARB) ang nabenepisyuhan.
Maliban dito, 25,773 Certificates of Condonation with Release Mortgage rin ang ipinasakamay sa 21,496 na ARB’s sa buong lalawigan.
Samantala, sunod nitong binisita ang lungsod ng Ilagan upang personal ring ipaabot ang P10,000 tulong pinansyal sa 1,500 mga magsasaka, mangigisda, at kanilang mga pamilya na benipesyaryo ng Presidential Assistance.
Bukod dito, malugod ding tinanggap ni Isabela Governor Hon. Rodito Albano III ang P50-M halaga ng tulong pinansyal mula sa Pangulo matapos na masalanta ang lalawigan ng sunud-sunod na bagyo.