𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜-𝗧𝗥𝗔𝗗𝗘 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗘𝗫𝗣𝗢 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa ng opisyal na pagbubukas ng Agri-Trade & Tourism Expo 2024 sa Alaminos City kung saan tampok ang mga agricultural products na mula mismo sa mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba ng lungsod.

Isa sa prayoridad ng lokal na gobyerno ang patuloy na suporta at maging pagsusulong na paunlarin pa ang agricultural industry ng lungsod pati na rin sa sektor ng turismo, kooperatiba, at pagnenegosyo.

Ilan sa mga nakibahagi sa naturang aktibidad na ito ay mga magsasaka, mangingisda at kooperatiba sa lungsod, mga opisyal na nanguna sa pagbubukas ng naturang expo.

Isa rin ito sa magandang hakbang para maipakilala pa ang mga produktong maipagmamalaki ng lungsod ng Alaminos na gawa mismo ng mga pinagkakakitaan ay nasa hanay ng agrikultura at turismo.

Samantala, inorganisa naman ang naturang aktibidad na ito ng City Agriculture Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments