𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗟𝗜𝗕𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Ipinagpaumanhin ng DPWH Region 02 ang pagpapaliban ng pagbubukas ng Santa Maria Bridge na nakatakda sanang isapubliko sa katapusan ng Hunyo.

Paliwanag ng ahensya, hindi natuloy ang pagbubukas nito para sa mga light vehicles dahil sa ilang kadahilanan katulad ng mga materyales na gagamitin ay mula pa sa ibayong dagat para sa finishing touches ng nasabing tulay.

Ayaw umano nilang isakripisyo ang kaligtasan ng mga motorista kung kaya’t kanilang napagpasyahan na sa buwan na lamang ng Setyembre ipapagamit ang nasabing tulay.


Tiniyak naman din ng DPWH na kanilang papabilisin ang pagsasaayos upang matupad ang kanilang pangako na magagamit na ang Cabagan-Santa Maria Bridge sa Setyembre, ngayong taon.

Facebook Comments