Dinagsa ang pagbubukas ng Pailaw sa Plaza, Lighting Ceremony sa San Carlos City noong linggo.
Libo-libong katao ang dumalo at nag-abang upang masilayan ang Carnival Theme ngayong taon ng lungsod.
Nag-enjoy ang mga bata at matanda dahil sa dancing fountain at circus clowns na nagpakita ng kanilang magic tricks.
Malaking Christmas Tree rin ang bubungad sa pagpasok sa plaza. Nag ningning rin ang paseo de belen na agaw atensyon sa mga tao.
Bukas ito araw-araw sa oras ng ala sais hanggang alas dyis ng gabi.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Carlos City, ang pagkakaroon ng Pailaw sa Plaza ay daan upang huwag kalimutan ang pagpapasalamat sa Diyos at pagpapaalala na masarap mabuhay kasama ang pamilya at mahal sa buhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments