𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗣𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗜𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Hindi maantala ang ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Alaminos City kahit pa ilang barangay dito ang nakaranas ng pagbaha dulot ng Bagyong Carina.

Sa datos na ibinahagi ng Department of Education Region 1 sa IFM Dagupan, isang daang porsyento umano ng mga paaralan sa Schools Division Office Alaminos City ang nakatakdang magbubukas ng klase para sa 2024-2025 school year ngayong araw.

Nagsagawa ng bayanihan ang mga guro, iba’t-ibang ahensya at magulang na naglinis at nag-ayos upang ihanda ang mga silid aralan na gagamitin ngayong araw.

Matatandaan na nagsagawa ng rescue operation ang lokal na pamahalaan sa ilang flood prone areas barangay sa lungsod bilang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments