Binigyang diin ni Pangasinan 4th District Board Member Jerry Rosario na dapat lamang busisiin ang halos labindalawang milyong pondo sa pagpropromote ng lalawigan.
Ito ay matapos umanong batikusin ng ilang media sa Pangasinan ang halos isang milyong bayad kada buwan sa isang private media company upang maipromote ang ganda ng Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng iFM Dagupan kay Board Member Jerry Rosario, nagpaliwanag umano ang Public Information and Media Relations Office o PIMRO Pangasinan Head na si Mr. Dhobie De Guzman ukol sa kontrata ng lalawigan sa isang private media company.
Aniya, ang pagbusisi sa ganitong usapin ay kritikal lalo na’t budget ng pamahalaan ang nakasalalay dito.
Aniya pa, na ginagampanan lamang umano nito ang kanilang tungkulin na iverify ang mga datos sa iniakyat na kontrata gayundin ang pagprotekta sa kaban ng bayan.
Sa ilang impormasyon naglalabasan si PIMRO Head Mr. Dhobie De Guzman ay ang founder at dating CEO ng tinutukoy na media company na nakabase sa lungsod ng Baguio. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨