𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗕𝗢𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔

Pinaghahandaan na ngayon ang inaasahang pagdagsa ng mga deboto na bibisita sa iba’t ibang simbahan sa lalawigan ng Pangasinan sa papalapit na semana santa.

Naglabas na ang ilang mga simbahan ng kanilang mga schedule ukol sa mga isasagawang misa, mula ika-28 hanggang 31 ng Marso bilang paggunita sa mga sakripisyo ng Panginoon.

Sa bayan ng Manaoag, unti-unti nang dinadagsa ng mga turista ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag, kung saan halos dumoble na ang bilang ang gumagawi roon linggo-linggo. Gayundin, ang Sts. Peter and Paul Parish Church sa bayan ng Calasiao at iba pang mga kilalang simbahan sa Pangasinan.

Samantala, tiniyak naman ng hanay ng kapulisan ang kanilang pakikiisa para sa seguridad at kapayapaan sa lahat ng bibisita at kanilang mga gagawin sa mga pilgrimage sites at simbahan sa lalawigan.

Inaasahan na titriple pa ang bilang ng mga bibisita sa mga simbahan ilang linggo bago sumapit ang mahal na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments