𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗥𝗔𝗠𝗗𝗔𝗠 𝗡𝗔

Pitong araw na lang ipagdiriwang na ang kapaskuhan ngayon taon, dahil dito ramdam na rin sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ang pagdagsa ng mga tao.
Ayon sa ilang mga tindera sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan, ramdam na ang pagdami ng mga tao ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.
Paliwanag ng mga ito tila abala na sa pamimili ang mga tao na gagamitin nila sa mga okasyon gaya na lamang ng pamimili ng mga regalo para sa sinalihan nilang Christmas Party.

Paliwanag naman ng ilang mga mamimili, inaagahan na nila na bumili ng mga ihahanda nila sa Noche Buena at ang ilan naman ay mga pang-regalo sa kanilang mga kamag-anak ang pinagkakaabalahan.
Samantala, matatandaan na matagal nang ipinapayo ng Department of Trade and Industry na agahan na ang pamimili ng mga kailangan sa pasko upang hindi na maubusan ng gagamitin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments