𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗙𝗟𝗨𝗘𝗡𝗭𝗔-𝗟𝗜𝗞𝗘 𝗜𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Muling nararanasan ngayon ang pagdami ng mga taong nakararanas ng influenza-like illness o trangkaso.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa mahigit 170, 000 ang kaso nito sa buong bansa mula umpisa ng taon, noong Enero hanggang buwan ng Oktubre, katumbas nito ang itinaas na 49%.
Pinakaraniwang sintomas na dinadaing ngayon ng mga tao ay ang pagkakaroon ng ubo at sipon, maging panghihina ng katawan.

Isa sa nakikitang dahilan ay ang pabago-bagong panahon, ang epekto ng El Niño Phenomenon at ang epektong dala rin ng Hanging Amihan.
Pinapayuhan ang publiko na maigi ang intake ng mga vitamins, maging pagtiyak sa vaccines tulad ng flu at covid vaccines. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments