𝗣𝗔𝗚𝗗𝗔𝗥𝗔𝗦𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗔𝗥𝗔𝗪-𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗦𝗘𝗔

Hinimok ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang lahat ng mananampalatayang Katoliko na magdasal ng rosaryo araw-araw na siyang daan upang labanan ang agresibong hakbang China sa West Philippine Sea.

Sa inupload na video sa facebook page ni Villegas, dapat umanong buksan ang mata, isip at puso dahil mayroong hindi magandang nangyayari sa paligid.

Aniya, ang mga mangingisda sa West Philippine Sea itinataboy at ang mga sundalo ng bansa ay ayaw palapitin upang magdala ng pagkain.

Dapat umano itong labanan sa pamamagitan ng Diyos at pagdarasal ng rosaryo araw-araw at hindi sa pamamagitan ng bala at kanyon.

Binigyang diin nito na ang rosaryo ang daan upang magbago ang loob ng China sa pagkamkam ng West Philippine Sea.

Matatandaan na sinimulan noong ika 27 ng Hulyo ang 50 day Rosary Campaign na magtatapos sa ika-15 ng Agosto upang hingiin ang kaligtasan ng Pilipinas mula sa China. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments