𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗨𝗥𝗙𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗞𝗔𝗡𝗦𝗘𝗟𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Ipinagpaliban ng Provincial Government ng La Union ang mga nakalinyang aktibidad para sa pagdiriwang ng La Union Surfing Break 2024 dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.

Mula sa coastal cleanup activity, mangrove planting, surfboard painting competition at iba pang aktibidad na naka iskedyul ng Oct. 25 hanggang Oct. 27, ay inilipat sa darating na November 1 hanggang November 3.

Matatandaan na kabilang ang lalawigan ng La Union sa mga lugar na mayroong banta ng storm surge batay sa abiso ng Office of the Civil Defense Ilocos Region.

Samantala, ilang residente na rin ang NASA evacuation areas sa probinsiya dulot pa rin ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments