Nakiisa ang mga Indigenous Peoples (IP) mula sa apat na lalawigan ng Region 1 sa ginanap na Regional IP Summit 2024 sa San Emilio, Ilocos Sur.
Nasa higit isang libong mga katutubo ang nagtipon-tipon sa naturang aktibidad kasunod ng pagdiriwang National Indigenous Peopleβs Month.
Binigyang-kilala ang kontribusyon ng mga katutubo sa pagtataguyod ng kultura ng bansa at pagpapahalaga sa mga likas na na tradisyon ng Indigenous Cultural Community o ICC sa Rehiyon Uno.
Pinangunahan ang naturang selebrasyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Region 1 katuwang ang mga miyembro ng IP Mandatory Representatives (IPMRs) at iba pang ahensya ng gobyerno. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments