𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗨𝗞𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗜-𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔

Pinaplano ngayon ng bagong talagang Provincial Director ng PNP Pangasinan na si PCol. Rollyfer Capoquian, ang mas maagap na pamamaraan sa pagtukoy ng mga kriminal.

Bilang parte ng crime reduction, isang Digitalized application ang ninanais nitong mapag-aralan ng kapulisan sa probinsya na mas mapapabilis ang Pag-isketch ng itsura ng mga kriminal kaysa sa tradisyonal na cartographic sketch.

Ito umano ay isa sa mga best practice ng Quezon City Police District na nakita niya noong siya ay nadestino sa Manila.

Nauna nang inihayag ni Capoquian na itatalaga ang 80% na kawani ng PANGPPO sa mga lansangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments