𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗

MARIING TINUTUTUKAN NG HANAY NG KAPULISAN KATUWANG ANG LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAGUPAN ANG USAPIN KAUGNAY SA PAGGAMIT NG MGA PAPUTOK, IPINAGBABAWAL MAN O PINAPAYAGAN KASUNOD SA PAGDIRIWANG NG HOLIDAY SEASON.

MATATANDAAN NA KASALUKYANG INIIMBESTIGAHAN NGAYON NG AWTORIDAD ANG NANGYARING PAGSABOG SA ISANG COMPOUND SA BRGY. MALUED SA LUNGSOD NA NAGDULOT NG PAGKAKADAMAY NG DALAWAMPUT-ISA O 21 PA NA MGA KABAHAYANG MALALAPIT SA NASABING LUGAR BUNSOD NG MGA PAPUTOK.

NAGPAPATULOY DIN ANG KAMPANYANG INILUNSAD NG DOH-CHD1 NA IWAS PAPUTOK CAMPAIGN SA DAGUPAN CITY SA PAMAMAGITAN NG INFORMATION DISSEMINATION AT PAGHIKAYAT SA MGA DAGUPEÑOS NA GUMAGAMIT NA LAMANG NG ALTERNATIBONG PAMPAINGAY SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON.

SAMANTALA, PUSPUSAN DIN ANG DAGUPAN CITY PS SA KANILANG PAGTATAGUYOD NG OPLAN IWAS PAPUTOK AT MGA AKSYONG PAG-ANTABAY SA KALIGTASAN NG MGA TAO SA PAGDIRIWANG NG HOLIDAY SEASONS. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments