π—£π—”π—šπ—šπ—”π— π—œπ—§ π—‘π—š π—£π—˜π—žπ—˜π—‘π—š 𝗣π—ͺ𝗗 π—œπ——, π—§π—¨π—§π—¨π—§π—¨π—žπ—”π—‘ π—‘π—š 𝗕𝗨π—₯π—˜π—”π—¨ 𝗒𝗙 π—œπ—‘π—§π—˜π—₯π—‘π—”π—Ÿ π—₯π—˜π—©π—˜π—‘π—¨π—˜

Cauayan City – Mahigpit na tutukan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ilegal na paggamit at pagbebenta ng pekeng Person with Disability (PWD) IDs para makaiwas sa buwis.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang ganitong gawain ay hindi lamang itinuturing na pandaraya at paglabag sa batas, kundi isa ring paglapastangan sa mga karapatan ng tunay na PWDs na pinoprotektahan ng gobyerno.

Base sa datos ng ahensya, umabot sa P88 bilyon ang nawawalang buwis noong 2023 kung saan, ito ay dahil sa mga mapagsamantalang indibidwal na gumagamit ng fake PWD ID’s upang makakuha ng 20% discount at exemption sa value-added tax (VAT) para sa mga produkto at serbisyo na dapat sana ay pa lamang sa mga PWDs.


Bilang tugon, magsasagawa ang BIR ng masusing tax audit sa mga transaksyong may kaugnayan sa PWDs at makikipagtulungan sila sa Department of Health at National Council on Disability Affairs upang beripikahin ang impormasyon ng mga PWD, kabilang ang pangalan, ID number, uri ng kapansanan, at mga nakuhang benepisyo, upang masigurong lahat ng ito ay lehitimo.

Facebook Comments