
Cauayan City – Pinangunahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang isang oryentasyon sa “PalengQR PH” sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Mallig, Isabela, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela, Business Permits and Licensing Office (BPLO), at Market Administration Office ng lokal na pamahalaan.
Tinalakay ng BSP ang mga benepisyo ng PalengQR PH at ang mahalagang papel nito sa pagpapabilis at pagpapadali ng mga transaksyon sa lokal na komunidad bilang bahagi ng pagsusulong ng digital payments.
Kasabay ng aktibidad, nagsagawa ang Consumer Protection Division (CPD) ng DTI Isabela, kasama si Junior Business Counselor April Alvarado, ng monitoring at inspeksyon sa mga establisimyento upang tiyakin ang pagsunod sa mga batas at regulasyon sa proteksyon ng mamimili.
Ipinakita ng gawain ang matibay na ugnayan ng BSP, DTI, at LGU Mallig sa pagsusulong ng financial inclusion, patas na kalakalan, at modernong sistema ng pagbabayad sa bayan.
Source: DTI REGION 2 – ISABELA
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










