π—£π—”π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—§π—” 𝗦𝗔 π—¦π—’π—Ÿπ—˜π— π—‘π—œπ—§π—¬ 𝗒𝗙 π—§π—›π—˜ π—œπ— π— π—”π—–π—¨π—Ÿπ—”π—§π—˜ π—–π—’π—‘π—–π—˜π—£π—–π—œπ—’π—‘, π——π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—¨π—›π—”π—‘ π—‘π—š 𝗗𝗔𝗔𝗑-π——π—”π—”π—‘π—š π——π—˜π—•π—’π—§π—’π—‘π—š π—žπ—”π—§π—’π—Ÿπ—œπ—žπ—’ 𝗦𝗔 π——π—”π—šπ—¨π—£π—”π—‘ π—–π—œπ—§π—¬

Idinaos ang mass schedules sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City alinsunod sa pagdiriwang ng Solemnity of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary nitong Dec. 9, 2024.

Dinaluhan ng mga daan-daang debotong katoliko ang selebrasyon bilang pagkilala sa kanyang natatanging pagiging ina sa tagapagligtas ng sanlibutan – si Hesus.

Naging sentro ng mensahe ng misa ay ang pagtitiwala sa Panginoon at sa plano Nito kagaya ng ginawa ni Maria noong nalaman niyang kanyang ipagbubuntis si Hesus. Na sa kabila ng pag-aalinlangan at takot, ay malugod nitong tinanggap at tumalima sa kagustuhan ng Diyos.

Ibinahagi rin ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ngayong kapaskuhan, alalahanin ang Inang Mariang nagdala sa sanggol na nagligtas ng sanlibutan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments