Kaliwaβt-kanan ngayon ang pagsasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng mga aksyon at hakbangin kaugnay sa paghahanda ng probinsya sa parating na La NiΓ±a sa bansa.
Sa ginanap na 2nd Quarter PDRRM Council Meeting 2024 kung saan dinaluhan ng PDRRM Council sa pangunguna ni PDRRMC Chairman Gov. Ramon Guico III, tinalakay ng mga ito ang mga aksyon na dapat na maisagawa sa posibleng epekto na maidudulot ng La NiΓ±a.
Sa sektor ng agrikultura, inihayag ni Pangasinan Provincial Agriculturist Dalisay Moya ang ilang mga inihandang hakbangin tulad ng pagtukoy sa mga high risk areas o mga low-lying, pag-adjust ng cropping pattern ng mga magsasaka upang hindi tuluyang maging matindi ang epekto sa agrikultura.
Sinabi rin ni Vice Gov. Mark Lambino na planong ilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang Camp Management Plan na may layong itaguyod particular ang mga evacuation at emergency sites sa probinsya sakaling tumama ang mapaminsalang La NiΓ±a sa bansa.
Binigyang diin din ni Fourth District Board Member Jerry Agerico B. Rosario ang kahandaan ng mga kinauukulang departamento at sa pagbibigay serbisyo ng mga ito pagdating ng inaasahang weather phenomenon.
Samantala, patuloy din na pinapaalalahanan ang mga Pangasinenses sa mga nararapat gawin lalo ngayong nakakaranas na ang lalawigan ng mga pag-uulan ng may kasamang pagkulog at paghangin. |πππ’π£ππ¬π¨