𝗣𝗔𝗚𝗜𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔, 𝗠𝗔𝗧𝗛𝗘𝗠𝗔𝗧𝗜𝗖𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗖𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗩𝗜𝗘𝗪, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗜𝗚𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡

Ikinalungkot ng Teachers Dignity Coalition ang paglabas ng pinakahuling resulta ng review ng Program for International Students Assessment o PISA kung saan ay isa ang Pilipinas sa pinakamababa ang rangko.
Lumalabas kasi sa resulta ng Pisa Review na pang 77th ang Pilipinas, mula sa 81 na mga bansa.
Ayon sa naging panayam ng IFM Dagupan kay TDC Chairman Benjo Basas , nakakalungkot aniya na kamakailan lamang ng Ilabas ng PISA ang report na isa tayo sa lowest at ito na naman ang bagong review subalit katulad pa din ang resulta.

Alam naman aniya ng pamahalaan ang problema kaso tila hindi pinapansin at Hindi nasusulusyunan.
Ang kakulangan ng aklat at mismong pasilidad sa mga paaralan at suporta at tulong sa mga guro ang ilan sa mga problema aniya na dapat na tugunan sa lalong madaling panahon upang hindi nahuhuli ang Pilipinas sa ganitong usapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments