𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗞𝗢𝗟𝗢𝗥𝗨𝗠

Unti – unti nang inuumpisahan sa bayan ng Mapandan ang pagkakabit ng sticker sa mga tricycle na dumaan sa tamang proseso ng pagpaparehistro ng kanilang mga pinapasada.

Ang hakbang na ito ng lokal na pamahalaan ay para maiwasan ang mga kolorum na nanlalamang sa mga tricycle drivers na nagparehistro para sa tamang paraan ng pamamasada.

Sa pagpapaigting rin nito ay mapoprotektahan din umano ang mga pasahero sa banta ng mataas na singil.

Bukod pa rito, nagkabit na rin ng signboard sa paradahan ng mga tricycle drivers para sa organisado at maayos nitong itsura sa bahagi ng ng kanilang pamilihang bayan. |𝒊𝒇𝒎𝒏𝒆𝒘𝒔

Facebook Comments