𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚

Bilang pagsusulong sa malinis na tubig namahagi ang lokal na Pamahalaan ng Mangaldan jetmatic pumps sa mga barangay at paaralan.

Nasa limampu’t pitong kabahayan at isang paaralan ang nakinabang sa mga naturang jetmatic pumps.

Ang pamamahaging ito ay para sa patuloy na pagsusulong sa serbisyong pangkalusugan ng bawat residente sa bayan.

Isa rin ito sa kanilang hakbang upang mapalitan na ang mga luma at sira-sirang jetmatic pumps sa iba’t-ibang barangay.

Samantala, sa mga nagnanais na mabigyan nito ay inabisuhan silang nakipag ugnayan sa Community Affairs Office ng bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments