Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kahandaan nito kaugnay sa posibleng sakuna o kalamidad na maaaring tumama sa lungsod partikular ang inaasahang The Big One.
Tiniyak ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez ang pakikipag-ugnayan ng LGU sa national government, PhiVolcs, PAGASA, Office of the Civil Defense (OCD) at sa mga LDRRMC upang masubaybayan ang mga posibleng pagtama ng mga sakuna.
Ilan sa mga kagamitan para sa disaster preparedness ay ang earthquake intensity meter, Tsunami Early Warning System na naka install sa limang lugar sa lungsod, rainfall monitoring system, at flood monitoring system.
Iminungkahi rin nito ang pagkakaroon ng karagdagang mga kagamitan upang mas mapalakas pa ang paghahanda ng syudad laban sa banta kalamidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨