𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗙𝗨𝗚𝗔𝗢 𝗣𝗣𝗢

CAUAYAN CITY- Kinondena ni Regional Director PCol Marvin Diplat ng Ifugao Provincial Police Office ang isang facebook post ng isang anonymous sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga ng kapulisan sa lalawigan at sa iba pang lugar.

Aniya, mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang pamunuan na masangkot sa anumang iligal na aktibidad ang sinumang tauhan ng IPPO.

Pinayuhan naman nito ang anonymous na nag-post sa facebook na personal na magtungo sa kanya upang personal na mapag-usapan ang impormasyon na kanyang ibinahagi at makakatulong ito sa pagsugpo sa iligal na droga.


Samantala, hinihikayat naman niya ang publiko na sumangguni sa kanilang tanggapan at ipagbigay ang mga impormasyon hinggil sa mga iligal na aktibidad lalo na pag sangkot ang tauhan ng kapulisan rito.

Facebook Comments