Nakitaan ng pagtaas ang pagkonsumo ng tubig sa lungsod ng Dagupan, ngayong patuloy na nararamdaman ang maalinsangang panahon.
Ayon kay PAMANA Waters Spokespoerson Marge Navata, unti-unti na nilang nararamdaman ang pagtaas ng demand ng tubig dahil sa alinsangan buhat ng el niño, ngunit pinawi nito ang pangamba dahil hindi pa, diumano ito, naka alarma sa kanilang mga naitatala.
Siniguro naman ng PAMANA ang sapat na suplay ng tubig sa lungsod, ngunit aminado rin ang ahensya na apektado rin ang supply sa mga naitatalang pagkasira ng ilang mga pipes nito dulot ng aksidente sa pagsasaayos ng kalsada at drainage sa lungsod.
Alintana rin ng tanggapan na posible ang pagbaba nito sa oras na lumala pa ang epekto ng el niño, kaya’t maiging sanayin na ang mga pamamaraan sa pag-iipon o pagtitipid ng tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨