𝗣𝗔𝗚𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗥𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗘𝗟𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗟𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡

Itinanggi ng Pamahalaang Panlalawigan ang nagaganap na pagkuha umano ng personal na impormasyon ng mga Empleyado ng Kapitolyo na maari umanong gamitin sa darating na eleksyon.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, ang pangangalap ng personal na impormasyon ng mga empleyado ay bahagi ng pag-uupdate sa kanilang status bilang lingkod bayan.

Ang pag-upload ng naturang personal na datos ng mga empleyado ay kinakailangan ng Human Resources Department na siyang nagsasagawa ng nagmomonitor at nag update ng status at bilang ng nga empleyado.

Bahagi rin umano ito ng digitalization sa personal data upang mas madaling matukoy ang pagkakakilanlan ng isang empleyado tulad ng sistema sa ibang kompanya.

Kaugnay nito, tiniyak ng pamahalaang panlalawigan na tinuturing na confidential ang personal data na nakakalap sa bawat empleyado na nakasaad sa Data Privacy Act ng bansa.

Base sa ilang report na lumalabas ay gumagamit umano ng Isang application ang kapitolyo kung saan kapag nailagay ang pangalan at cellphone number ng Isang Empleyado ay lalabas na rin ang Voter’s Precinct Number nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments