Mahigpit na ipinatutupad ng pulisya sa Pangasinan ang pagpapatupad sa pagpasok ng mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo sa araw ng Undas sa Dagupan City.
May ilang mga bumisita sa Roman Catholic Cemetery na nahulihan ng patalim na di umanoy gagamitin sana sa paglilinis at paggapas ng damo.
Hindi pinayagang ng pulisya na maipasok ito sa loob ng sementeryo.
Mariing inihayag ni Dagupan City Police Operations Officer PLT. Jesus Gerald Manaois na hindi na maaaring maging dahilan ang paglilinis ng puntod para ipasok ang mga matatalim na kagamitan.
Aniya, nagkaroon na umano ang mga ito ng sapat na panahon para makapaglinis sana ng mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago ang araw ng Undas. Hanggang ngayong araw ay naka heightened alert pa rin umano ng kapulisan sa pagbabantay sa mga sementeryo sa lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨