𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗖𝗖𝗧𝗩 𝗖𝗔𝗠𝗘𝗥𝗔𝗦, 𝗣𝗥𝗔𝗬𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝟮, 𝗚𝗔𝗠𝗨, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City – Matapos ang nangyaring karumal-dumal na krimen sa Brgy. District 2, Gamu, Isabela kamakailan, isa ngayon sa kanilang prayoridad ay ang paglalagay ng CCTV cameras sa kanilang nasasakupan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay LMB President at Brgy. Chairman ng Brgy. District 2, Gamu na si Alfredo Burkley Jr., sa higit apat na dekadang pagsisilbi nito hindi lamang sa barangay kundi sa buong bayan ng Gamu, ito ang isa sa pinakamalalang insidente na kanyang nasaksihan.

Dahil dito, prayoridad nila ngayon ang pagkakabit ng CCTV sa kanilang barangay partikular na sa mga kanto at establisyimento upang magsilbing karagdagang seguridad para sa mga residente.


Sinabi rin Burkley na labis nilang ikinalungkot ang nangyari sa biktima lalo pat mabait naman ito at matagal na nagsilbi bilang barangay official kaya’t hinihiniling rin nila na makamit ang nararapat na hustisya para sa biktima.

Facebook Comments