𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗡𝗗𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗕𝗘𝗔𝗖𝗛, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟

Bagamat nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Marce, pansamantalang ipinagbabawal ang pagligo at paglaot sa Tondaligan Beach dahil nakataas pa rin ang gale warning sa probinsya ng Pangasinan.

Mahigpit ang isinasagawang pagbabantay ng PNP Maritime sa naturang beach upang maipatupad ang naturang kautusan.

Agarang hakbang umano ito para sa kaligtasan at maiwasan ang aberya sa gitna ng dagat lalo na sa mga mangingisdang may mga maliit lamang na sasakyang pandagat o Bangka.

Nagpaalala rin ang awtoridad na bantayanan ang mga bata upang hindi makapaglaro sa dagat at ilog nang maiwasan ang anumang kapahamakan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments