𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗧𝗨𝗪𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗟𝗨𝗜𝗦

CAUAYAN CITY- Nagbigay paalala ang pamunuan ng Brgy. San Luis sa mga residente hinggil sa mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Balong Pascua, tuwing baha ay pahirapan ang paglikas sa ilang residente dahil ayaw ng mga ito na lisanin ang kanilang mga ari-arian.

Aniya, ang ilan naman ay nasanay na umano sa baha kung kaya’t mas pinipili na lamang ng mga ito na huwag nang lumikas.


Gayunpaman, sinisikap ng kanilang pamunuan na abisuhan ang mga residente na lumikas na bago pa man tumaas ang tubig baha upang makaiwas sa sakuna.

Facebook Comments