π—£π—”π—šπ—Ÿπ—œπ—Ÿπ—œπ— π—œπ—§π—” 𝗦𝗔 π——π—¨π— π—”π——π—”π—”π—‘π—š π— π—šπ—” π— π—”π—•π—œπ—•π—œπ—šπ—”π—§ 𝗑𝗔 π—¦π—”π—¦π—”π—žπ—¬π—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗔Ñ𝗔𝗧𝗔𝗑 𝗕π—₯π—œπ——π—šπ—˜ 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—§π—”π—₯π—˜π— , π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”

Muling ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem sa publiko ang paglilimita muna sa mga mabibigat na sasakyan na dumaan sa CaaΓ±atan Bridge dahil sa kondisyon nito.

Nagkaroon ng malubhang pinsala ang naturang tulay kung saan maaaring magdulot ng panganib sa mga sasakyang tatawid.

Naglabas din ang LGU Mangatarem noon January 2024 ng advisory ukol sa paglilimita sa bigat ng dumadaan sa tulay ngunit hindi naman umano sinusunod ng publiko.

Muling paalala sa publiko na sumunod sa alituntunin at tanging magagaan na sasakyan muna ang pahihintulutan na dumaan sa naturang tulay nang sa gayon ay maiwasan ang ano mang uri ng aksidente.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang LGU Mangatarem sa kinauukulan para sa pagsasaayos ng naturang tulay. |π’Šπ’‡π’Žπ’π’†π’˜π’”

Facebook Comments