Posibleng permanente na ang kamakailan lang ay binagong iskedyul ng libing sa bayan ng Manaoag.
Ito mismo ang sinabi ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Doc Ming Rosario sa panayam ng iFM News Dagupan.
Ayon sa alkalde, napagdesisyunan ang nasabing eskedyul dahil sa mainit na panahon na nararanasan sa bayan.
Aniya, nakipag-ugnayan sila sa Minor Basilica upang maisaayos ang nasabing iskedyul upang hindi kawawa ang mga residente ng bayan na maglilibing ng kanilang mga mahal sa buhay na yumao sa dating ala-una ng hapon.
Samantala bagamat paiba iba ang panahon ay posibleng permanente na ito, aniya, dahil noon ay maaga naman talaga ang libing sa kanilang bayan.
Sa bagong iskedyul ng libing ng bayan, 8:15 AM ang umpisa ng misa ng libing mula sa dating ala-una ng hapon bagamat hindi naman nagbago ang araw ng libing na ginaganap tuwing Martes, Huwebes at Sabado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨