𝗣𝗔𝗚𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Kasabay ng pag-inspeksyon sa mga lumalayag na sasakyang pandagat ay mahigpit din ang monitoring ng Philippine Coast Guard Northwestern Luzon sa mga posibleng iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng rehiyon uno.

Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng patrol upang mabantayan ang karagatan at maiwasan ang mga pagtatangkang mangisda sa iligal na pamamaraan.

Isa din ito sa paraan ng PCG na matulungan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa pagpapanatili at pagtitiyak na may sapat na suplay ng yamang dagat at maging patuloy na mapangalagaan ang sakop na karagatan.

Samantala, nito lamang Nobyembre at Disyembre nang nakalipas na taon, dalawang operasyon ang isinagawa ng tanggapan at nahuli sa baybaying sakop ng San Fabian ang mga mangingisdang gumagamit ng fine mesh net na siyang ipinagbabawal na gamitin sa panghuhuli ng isda. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments