𝗣𝗔𝗚𝗡𝗘𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡, 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗔

Tiniyak ng Department of Agriculture na suportado nila ang mga magsasakang papasok sa pagnenegosyo gamit ang pagpapatayo ng tanggapan ng post-harvest at processing facilities.

Mas pinalawig itong pamamaraan kung sakali ng mga magsasaka pagdating sa kanilang pansaka na siyang kanilang pangunahing ikinabubuhay.

Aminado ang Department of Agriculture Region 1 na may pagtaas talaga sa presyo ng palay kapag naging bigas na ito dahil din sa mga kagamitan at pasilidad na ginagamit ng mga rice millers.

Ang naturang pasilidad naman ay matatagpuan sa Bayan ng Bacarra, at Dingras at inaasahang bubuksan naman ang isa pang pasilidad at pinakamalaking post-harvest facility sa Sarrat, Ilocos Norte. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments