Target sa pagsasabatas ng nuclear energy sa bansa ay ang pagpapababa ng bayarin sa kuryente.
Alinsunod dito, patuloy na tinatalakay sa kamara ang usapin kaugnay sa pagtatatag ng nuclear power plant na kung aprubado ay nakatakdang itayo sa bayan ng Labrador, sa lalawigan ng Pangasinan.
Bilang Chairman ng Special Committee on Nuclear Energy ang ikalawang kongresistang namumuno rin sa 2nd District ng Pangasinan na si Cong. Cojuangco, tinitiyak nito ang pakikipag-ugnayan sa mga nuclear-related agencies upang mas mapalawak pa ang kaalaman at kinakailangang hakbangin sa pagsasakatuparan nito.
Samantala, layon pa ng nuclear plant na magkaroon ng mas mura, malinis at ligtas na kuryente hindi lamang para sa mga Pangasinenses maging sa mga mamamayang Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments